
ang lamig ng panahon ay kasinglamig mo...
kinukumutan ako ng kalungkutan;
habang pinaghehele ng unan ng kalumbayan...
at papag ng kawalang-katiyakan...
kasentihan. kadramahan. kabaliwan.
Usapang Senti
Kapag ganitong umuulan, nagkalat daw ang mga senti. Siguro dahil nasa bahay lang at ‘di makagala kaya kung anu-anong pumapasok sa tuktok. Napagtutuunan ng pansin ang mga bagay at pangyayaring balewala kapag busy sa maraming trabaho at pinagkakaabalahan. Nauuso tuloy ang mga senting text galing siyempre pa sa mga senting nilalang sa mundong ibabaw.
May nagtanong sa ‘kin, bakit nga ba raw? Sabi ko, kasi mismong ‘yong panahon, sentimental. ‘Yong pagbagsak pa lang ng ulan mula sa kalangitan, senti na ‘yon ah. Ang pagpapaubaya ng mga dahon na mabasa at malagas, senti ‘yon. Pati ‘yong pagtulo ng tubig-ulan sa bintana, grabe, senting-senti.
Naalala ko tuloy no’ng nasa
Uupo ako sa bilog. Pagmamasdan ang pagbuhos (pag malakas) pagpatak (pag mahina) ng ulan. Gustung-gusto ko ang pagpapaubaya ng grass sa ulan habang dumadaan at salit-salit ang alaala sa aking isipan…
Ngayon, wala nang
Habang nagkakape, pupwesto ako sa may bintana. Pagmamasdan ang ulan habang pinapaliguan ang kalsada.